Bagyo Updates July 1, 2019

Bagyo Updates July 1, 2019


#WeatherUpdate

Ngayong araw hanggang bukas mas inaasahan ang mga malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng #Luzon kasama ang #MetroManila at sa #WeasternVisayas dahil yan sa bahagyang paglakas pa ng Hanging Habagat na patuloy na pinalalakas ngayon ng isang bagyo at ng isang Low Pressure Area sa loob at labas ng PAR.

Sa ngayon ay patuloy na lumalapit ang sentro ng Bagyong #EgayPH sa #ExtremeNorthernLuzon na ngayo’y nakataas sa ilang lugar ang TCWS NO. 1 dahil sa banta ng bagyo bagama’t inaasahang tatawid sa nasabing lugar ay posibleng humina at maging isa na lamang muling Low Pressure Area pero magdadala ng mga pag-ulan sa #NorthernLuzon at sa Extreme Northern Luzon… Sa ngayon ay patuloy na pinalalakas ng bagyo ang Hanging Habagat.

Patuloy ding binabantayan ang isang Low Pressure Area sa West Philippine Sea / Northern SCS na nasa labas ng PAR bagama’t mababa ang tyansang maglandfall sa bansa ay inaasahang tutulong ito sa pagpapalakas sa Habagat na ngayo’y nagbibigay na ng malalakas na pag-ulan… Base sa latest WIND FORECAST MAP ay may tyansang maging mahinang bagyo ito at kalauna’y maglandfall sa #SouthernChina (HAINAN PROVINCE) sa Miyerkules as TD Category.

Inaasahang magpapatuloy naman ang mga pag-ulan dulot ng Hanging Habagat hanggang sa Miyerkules pero mas hihina na ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon pagsapit ng Miyerkules habang IMPROVING WEATHER CONDITION ang asahan sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Sa ngayon ay wala nang nakikitang posibleng mabuong bagong sama ng panahon sa susunod na 5-7 araw pero asahan pa din ang isolated thunderstorms sa hapon at gabi.

Stay dry po! Ingat
(c) PWS/PSU

loading...
loading...